Ayon kay DSWD Bicol Regional Director Norman Laurio na magsisimula na ngayong araw ang distribusyon ng sustainable livelihood program cash aid sa micro rice retailer sa rehiyon. Bawat isa ay tatanggap ng labing limang libong pisong tulong pinansiyal. Ang mga beneficiaries ay mula sa listahan ng Department of Trade and Industry 5. Sumailalim ang mga ito sa kaukulang beripikasyon ng kanilang tanggapan.
Ang mga probinsiya na nakatakda ang distribusyon ngayong araw ay ang Albay, Sorsogon, at Camarines Sur. Bukas sa Camarines Norte, Catanduanes at Masbate. Bawat probinsiya may isang lugar na tinukoy kung saan gaganapin ang aktibidad.
Sa Albay saklaw nito ang mga Lungsod ng Legazpi, Ligao, at Tabaco, mga bayan ng Daraga, Camalig, Manito, Oas, Polangui, Pioduran, Guinobatan, Libon, Malilipot, Tiwi, Bacacay at Sto Domingo.
Sa Camarines Sur, saklaw ang lungsod ng Naga, Iriga at Bayan ng Pili.
Sa Sorsogon, saklaw ang lungsod ng Sorsogon, mga bayan ng Bulan, Sta Magdalena, Bulusan, Prieto Diaz, Irosin, Gubat, Donsol, Castilla, Pilar, Matnog, Magallanes, Juban, Barcelona, Casiguran, at Sirangan.
Sa Camarines Norte, sakalw nito ang mga bayan ng Daet, Labo, Jose Panganiban, Santa Elena at Paracale.
Sa Catanduanes, ito ang mga bayan ng Virac, Panganiban, Bagamanoc, Bato, San Andres, at Viga.
Sa Masbate, saklaw nito ang Masbate City, mga bayan ng Placer, Milagros, Aroroy, Dimasalang, Cataingan, San Jacinto, Monreal, Ezperanza, Balud, at San Pascual. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay
File Photo