DSWD Chief, ipinag-utos na ang mabilis na pagpapadala ng relief goods sa mga pamilyang binaha sa Mindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang Disaster Response Management Group, na agad magpadala ng family food packs at iba pang relief goods sa flood-affected areas sa Mindanao.

Tugon ito ng DSWD sa hiling na tulong ng Maguindanao del Sur Provincial Government, upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa lalawigan noong Setyembre 17, sa 12 munisipalidad sa lalawigan.

Base sa ulat, umabot sa 38,512 pamilya ang kailangang mabigyan ng suporta ng national government dahil ang kanilang kabahayan at kagamitan ay nalubog sa tubig baha.

Ipinarating naman ni DSWD Field Office 12 (SOCCSKSARGEN) Regional Director Loreto Cabaya Jr. kay Secretary Gatchalian, na nakapagpadala na sila ng 43,000 boxes ng food packs sa affected areas sa Maguindanao del Sur.

Sa ngayon, mayroon pang 68,000 family food packs na stock file ang Field Office 12.

Iniulat din ng DSWD FO-12 ang malawakang pagbaha sa mga munisipalidad ng Pigcawayan, Midsayap at Aleosan sa Lalawigan ng Cotabato at Lambayung Sultan Kudarat.

Nauna nang tiniyak ni Secretary Gatchalian sa affected localities, na gumagawa na ng hakbang ang DSWD para matulungan ang libo-libong pamilya na sinalanta ng baha sa Maguindanao del Sur. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us