Binigyang kahalagahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang
digitalization ng mga social protection programs sa bansa.
Pahayag ito ng kalihim sa isinagawang Asian Development Bank’s (ADB) high-level panel discussion for the Asia-Pacific Social Protection Week ngayong araw.
Binigyang diin ng opisyal ang hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing reyalidad na magkaroon ng digital format ang lahat ng paghahatid ng social services.
Inihalimbawa din niya ang karanasan noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan naging pahirapan ang pamamahagi ng social amelioration financial assistance dahil sa walang maayos na computerized data ng mga benepisyaryo.
Tiniyak pa ng opisyal na ang mga social protection programs ay ipatutupad alinsunod sa rights-based at needs-based approach.
Layon nito na makaangkop ang mga social services programs sa nagbabagong socio-economic digital landscape.| ulat ni Rey Ferrer