DSWD, DTI at DILG, nagkasundong pabilisin pa ang pamamahagi ng SLP cash aid para sa micro rice retailers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pursigido ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of the Interior and Local Government (DILG), na pabilisin pa ang pamamahagi ng Sustainable Livelihood Program (SLP)-Cash Assistance para sa Micro Rice Retailers

Sa pulong nina DSWD Secretary Rex Gatchalian, DTI Undersecretary Carol Sanchez, at DILG Undersecretary Marlo Iringan, kanila na ring tututukan ang payout sa micro-retailers na hindi pa nakakuha ng tulong pinansiyal pati na ang mga sari-sari store owner na nagbebenta rin ng bigas na nasa listahan ng DTI.

Para masigurong maayos ang implementasyon ng tulong pinansiyal, nagkasundo ang tatlong ahensiya na tutukan ang kani-kanilang tungkulin.

Ang DTI ay magtuloy-tuloy sa paggawa ng master list ng benepisyaryo, habang ang DILG sa tulong ng LGUs ang hahawak sa logistics kasama ang information dissemination, at ang DSWD na ang magtutuloy-tuloy sa payout activities.

Simula sa Setyembre 15 hanggang 29, napagkasunduan ng tatlong ahensiya na ipatupad ang simultaneous payouts sa buong bansa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us