Namigay na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol Region sa mga pamilyang nasunugan sa bayan ng Placer sa lalawigan ng Masbate.
Batay sa ulat, walong (8) pamilya ang naapektuhan ng sunog na sumiklab sa Barangay Katipunan.
Bawat pamilya ay binigyan ng dalawang box ng family food packs, hygiene kits at cash assistance na P10,000.
Ang bigay na ayuda ay isinagawa sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD. | ulat ni Rey Ferrer