DSWD, nakahanda pa rin sa anumang kaganapang idudulot ng Bulkang Taal sa publiko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa anumang kaganapan na idudulot ng Bulkang Taal sa Batangas.

Reaksyon ito ni DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez, sa panibagong aktibidad ng bulkan na nagbubuga ng volcanic vog na nakaapekto sa kalapit lugar at maging sa Metro Manila.

Bagamat hindi normal, manageable pa ang sitwasyon sa paligid ng Taal.

Nanatili din ang koordinasyon ng DSWD sa lalawigan ng Batangas.

Nakaantabay lang daw ang DSWD at handang maglabas ng tulong kung kinakailangan tulad ng family food packs at Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Payo pa ng DSWD sa publiko na manatili na lamang sa loob ng kanilang bahay kung wala namang importanteng gagawin sa labas.

Sabi pa ni Asec Lopez, nanatili pang naka heightened alert ang DSWD sa Batangas.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us