DSWD, nakamahagi na ng P95-M sa AICS sa 37k benepisyaryo sa Bagong Pilipinas Service Caravan kick-off

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kabuuang P95,614,400 halaga ng tulong pinansiyal ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 37,386 benepisyaryo sa Bagong Pilipinas Service Caravan kick-off sa apat na probinsya nitong weekend.

Ang pamimigay ng benepisyo ay isinagawa sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.

Ang higit 37k AICS beneficiaries ay bahagi ng 322,689 beneficiaries na nakarehistro sa portal ng “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” (BPSF) na inilunsad sa Ilocos Norte, Camarines Sur, Leyte at Davao de Oro.

Pinakamaraming benepisyaryo na nakatanggap ng cash assistance ay mula sa Ilocos Norte, sinundan ng Camarines Sur, Davao de Oro at Leyte.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, Ang Bagong Pilipinas Caravan ay ang pinakamalaking service caravan ng bansa na naglalayong magbigay ng mga pangunahing serbisyo ng gobyerno sa mga mahihirap na mamamayan sa buong bansa.

Alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Bagong Pilipinas Service Caravan ay dadalhin sa lahat ng 82 probinsya sa Pilipinas kasunod ng matagumpay na paglulunsad nito noong weekend. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us