DSWD, nakapaghatid na ng higit ₱55-M assistance sa mga apektado ng habagat na pinalakas ng bagyong Goring at Hanna

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa ₱55.3-milyon ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar naapektuhan ng habagat na pinaigting ng bagyong Goring at Hanna.

Ayon sa DSWD, inilaan ang ayuda sa higit 2,000 apektadong barangays sa 10 rehiyon sa bansa.

Samantala, umakyat pa sa higit 231,748 pamilya o 872,481 na indibidwal ang naapektuhan ng mga malalakas na pag-ulan at pagbaha.

Aabot pa rin sa 846 pamilya ang ngayo’y nananatili sa evacuation centers. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us