DSWD, nakikipag-ugnayan sa ERC para mapadali ang pagpaparehistro ng 4Ps beneficiary sa lifeline rate program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikipag-ugnayan ngayon ang Department of Social Welfare and Development sa Energy Regulatory Commission upang maisaayos ang requirements sa registration sa electricity lifeline rate program.

Sa pagsalang ng 2024 proposed budget ng DSWD sa plenaryo, idinulog ni 4Ps party-list Rep. JC Abalos ang isa sa nakikita niyang magiging problema sa mga 4Ps beneficiaries na gusto makabenepisyo sa lifeline rate.

Isa kasi sa requirement para sa pagpaparehistro ay ang pagsusumite ng ‘electricity bill’

Ani Abalos, ang mga 4Ps ay kadalasang nakikitira o nagrerenta lang kaya’t ang bill sa kuryente ay hindi nakapangalan sa kanila.

Pagtiyak naman ni Appropriations Vice Chair Jocelyn Limkaichong, sponsor ng budget ng DSWD, kinakausap na ng ahensya ang ERC dahil nakikita rin nila na maaaring magkaproblema dito.

Isa pang hakbang ng ahensya ay ang palakasin ang information dissemination patungkol sa programa dahil marami ang hindi nakakaalam na may ganitong tulong ang pamahalaan kaya’t nananatiling mababa ang mga nagpapalista.

Hanggang noong August 30, nasa 47,000 mahigit ang registrants sa lifeline program. | ulat ni Kathleen Jean Forbesdswd, nakikipag-ugnayan sa erc para mapadali ang pagpaparehistro ng 4ps beneficiary sa lifeline rate program

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us