DSWD XI, pinangunahan ang kick-off at simultaneous cash grant distribution para sa small at micro rice retailers sa Davao Region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XI, sa pamamagitan ng kaniyang Sustainable Livelihood Program (SLP) ang kick-off at simultaneous distribution ng one-time cash grant na nagkahalaga ng P15,000 para sa bawat identified small and micro rice retailers sa Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro, at Davao Oriental araw ng Miyerkules September 13, 2023.

Nasa 182 small retailers na ang na-identify ng Department of Trade and Industry (DTI) XI, ang naging recipients ng SLP emergency rice subsidy (SLP-ERS). Pinasimunuan ni DSWD XI Promotive Services Division Chief Elizabeth T. Degorio ang paglulunsad ng naturang activity.

Ang SLP-ERS ay isang inter-agency na pagsisikap ng Department of Agriculture (DA) na kumikilos sa ilalim ng direktiba ng Office of the President.

Ang suportang ito ay naglalayong matulungan ang small at micro rice retailers na lubhang naapektuhan ng implementasyon ng Executive Order No. 39, na nagtatakda ng price ceiling sa regular milled rice sa halagang P 41 bawat kilo at P45 bawat kilo para sa well-milled rice .

Ang DSWD ay ang naatasan sa pag- disburse at mamahala sa grants, habang ang DTI at DA ay ang responsable sa pagtukoy ng mga karapat-dapat na benepisyaryo.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us