DTI Albay, nakiisa sa Albay LGU sa pagpapaunlad ng pamumuhunan sa turismo ng probinsya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng Tourism Investment Forum sa Albay kamakailan na naisakatuparan sa pagtutulungan ng Department of Trade and Industry-Albay at ng pamahalaang panlalawigan ng Albay kung saan naimbitahan ang ilan mga resource persons mula sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Ang TIEZA ay ang implementing arm ng Department of Tourism na nagbibigay ng suportang imprastraktura sa mga proyektong pang turismo. Isinusulong din nito ang pamumuhunan sa mga Tourism Enterprise Zones. Ito rin ang syang namamahala sa pagtatala ng mga kwalipikadong Tourism Enterprises na pwedeng makatanggap ng insentibo sa ilalim ng CREATE Act.

Inilatag ng TIEZA sa nasabing pagtitipon ang ibat ibang suportang panturismo na kanilang pwedeng ilaan bilang tulong sa pagpapaunlad ng sektor ng turismo sa lalawigan. Kasabay nito ay inihain din nila ang ibat ibang proyekto na kanilang nagawa at patuloy na ginagawa para sa probinsya.

Ayon kay DTI Albay Provincial Director Noel Bunao, pangunahing layunin nila sa pagsasagawa ng forum ay ang palakasin ang pamumuhunan sa industriya ng turismo sa Albay. Malaki ang tulong na maibibigay ng TIEZA sa paghihikayat sa mga stakeholders sa pagpapalawak ng pamumuhunan sa sektor ng turismo.

Ang presentasyon na ginawa ng TIEZA ay umani ng positibong reaksyon mula sa mga naimbitahang stakeholders na mga pinuno ng LGUs, mga may ari ng hotels at tourist spots sa probinsya. Ani PD Bunao, inaasahang na ang nasabing forum ay masusundan pa ng mga one-on-one na mga pag uusap sa pagitan ng TIEZA at ng mga interesadong stakeholders para sa karagdagang detalye sa pag avail ng suporta mula sa tanggapan. | ulat ni Twinkle Neptuno | RP1 Albay

Photos: DTI Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us