Lumagda ng isang Memorandum of Understanding ang Department of Trade and Industry katuwang ang Philippine Chamber of Commerce and Industry para sa pagpapalakas ng mga nakukuhang trade agreements ng Pilipinas.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, layon ng naturang MOU na ma-establish ng Pilipinas ang mga nakukuhang free trade agreements ng bansa sa tulong ng local business communities sa bansa.
Dagdag pa ng Kalihim, napapanahon ang naturang MOU dahil sa pagpasok ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) agreement mula sa iba’t ibang bansa sa ASEAN region. | ulat ni AJ Ignacio