Upang mas mapalakas ang creative industry sa bansa, inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Enasayo Creative Hub.
Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, layunin ng Ensayo Creative Hub na matulungan ang creative industry sa bansa na mas makilala sa international community.
Dagdag pa ng kalihim na talentado ang mga Pilipino kaya naman nararapat na mabigyang pansin at supporta ang nasa naturang industriya.
Samantala, muli namang siniguro ni Secretary Pascual na magpapatuloy ang pagsuporta ng DTI sa kanilang hanay. | ulat ni AJ Ignacio