Mas paiigtingin pa ng Department of Trade and Industry (DTI) at mga LGU partikular na ang kanilang Local Price Coordinating Councils kasama ang Department of Agriculture (DA) upang matiyak na naipatutupad ng tama ang price cap sa regular at well-milled rice.
Ayon pa kay DTI Secretary Fred Pascual, ita-tap ng DTI ang Philippine Competition Commission para labanan ang rice cartels at iba pang indibidwal na nagmamanipula ng pagtaas ng presyo ng bigas bilang bahagi ng pagpapaigting ng monitoring at enforcement mechanisms ng ahensya.
Ipinunto din ng opisyal na mahalagang mapanatili ang mahigpit na pagbabantay sa presyo ng bigas at suplay para mapigilan ang posibleng hoarding at price manipulation ng traders at retailers. | ulat ni AJ Ignacio