Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang magandang pagkakataon ngayon na makahanap sa Asia ang mga European countries ng economic opportunities sa rehiyon.
Ang pahayag ay ginawa ng Chief Executive nang tanggapin nito ang credentials ng bagong Ambasssor ng Switzerland sa Pilipinas sa isang simpleng seremonya sa Malacañang.
Sinabi ng Pangulo na ngayong nakakabangon na ang buong mundo sa pandemya ay maituturing na isang matalinong hakbang sa mga bansa sa Europa na makahanap ng economic partnership sa Asya.
Idinagdag ng Pangulo na nagsasama- sama din aniya ang mga ASEAN leaders para palakasin ang economic system sa rehiyon.
Sinabi pa ng Pangulo na ang post-pandemic scenario ay pagpapakita din ng mas maraming pagkakataon para sa posibilidad na kolaborasyon sa Pilipinas sa gitna ng bumabangon ng ekonomiya sa Asian region.
Sang-ayon naman si Swiss Ambassador to the Philippines Nicolas Brüh sa magandang recovery ng Asya mula sa pandemya kung ikukumpara sa iba pang panig ng daigdig. | ulat ni Alvin Baltazar