Umaabot sa P2 trilyon ang nakuhang investment pledges ng Philippine Economic team mula sa kanilang isinagawang magkakasunod na international dialogue at roadshows sa global market.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ang mga investment commitments ay mula sa bansang Singapore, Indonesia, United States, Germany at United Kingdom.
Dahil aniya sa mga ginawang Philippine Economic Briefing at roadshows nabigyan ng update ang mga banyagang mamumuhunan sa nangyayari sa bansa partikular ang key macroeconomic strengths, robust performance, structural reforms at sound policy environment.
Diin ng kalihim, alinsunod sa nais na strategic alliances ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa international community ang ginawang business dialogues ng economic team kaharap ang top level investors.
“Personally engaging with top level investors increases the Philippines’ visibility in the international arena, especially in untapped markets. Establishing bilateral economic relations is in line with the President’s call to form strategic alliances with the international community,” ani Diokno.
Dagdag pa ng kalihim, nakita nila ang interes ng international fund managers, investment houses, and fixed-income investors sa credit story, growth outlook, at priority investment areas ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes