Economist-solon, pinasususpindi muna ang paniningil ng PhilHealth ng kontribusyon sa mga miyembro nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniritan ni Appropriations Senior Vice-Chairperson Stella Quimbo ang PhilHealth na suspindihin muna ang sinisingil nitong premium contribution sa mga miyembro.

Ani Quimbo, lumalabas sa financial statement ng state health insurer na mayroon silang kita na nasa ₱100-billion.

Lumabas sa pagdinig na mayroong ₱68-billion ang PhilHealth mula sa kanilang direct contributors, ₱22-billion mula sa inilaang pondo ng national government at tinatayang ₱12.2-billion mula sa kanilang investments.

Kaya naman aniya kung ganito naman pala kalaki ang pera ng state health insurer ay bawasan o suspindihin muna nila ang pagkolekta ng premium sa mga miyembro lalo na sa mga manggagawa.

Tugon ni PhilHealth President Emmanuel Ledesma Jr. oras na umabot sa ₱470-billion ang kanilang reserve fund ay saka lamang sila maaaring magbawas ng contribution rate o kaya ay palawigin ang benefit packages.

Pero ayon kay Quimbo, mula nang itatag ang PhilHealth noong 1995 ay nangangako na sila na pagandahin ang kanilang benefit package.

Pinagsusumite ni Quimbo ang PhilHealth ng tugon kung pwede ba o hindi ang suspensyon ng koleksyon ng premium. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us