Naniniwala si Go Negosyo founder at Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na tama ang direksyong tinatahak ng ekonomiya ng bansa.
Ito ay sa gitna ng inaasahan ng Asian Development Bank na nasa 5.7% ang paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong taon.
Sa pandesal forum, sinabi ni Concepcion na suportado nito ang mga hakbang ng pamahalaan para makontrol ang inflation at magkaroon ng mas maraming trabaho ang mga Pilipino.
Tinukoy nito ang ipinatupad na price ceiling sa bigas na nakatulong aniya para sa mga mahihirap.
Para kay Concepcion, kailangan lamang na siguruhin ng gobyerno na magiging balanse ang debt-to-gdp ratio sa bansa at matiyak na lahat ng proyektong binubuo ay may katumbas na revenue.
Mahalaga rin aniya ang aktibong partisipasyon ng pribadong sektor para matulungan ang gobyerno gaya nalang sa infrastructure development.
Ayon pa kay Concepcion, tiwala itong nasa mabuting kamay ang ekonomiya ng bansa lalo na’t mahusay ang economic managers ng administrasyong Marcos. | ulat ni Merry Ann Bastasa