Enrollees para sa School Year 2023-2024, umabot na 26.5 milyon; mga late enrollee, tatanggapin pa hanggang ngayong buwan – DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagpan pa ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll para sa School Year 2023-2024.

Ayon sa Department of Education (DepEd), tumaas pa sa 26.5 milyon ang kabuang bilang ng mga mag-aaral ang nag-enroll ngayong school year.

Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Learner Information System Quick Count hanggang kaninang alas-2 ng hapon.

Pinakamarami ang nag-enroll sa Region IV-A na umabot na sa 3.8 milyon; sinundan naman ito ng Region 3 na may 2.9 milyon,; at National Capital Region na may 2.7 milyon.

Ayon kay Education Assistant Secretary Francis Bringas, tatanggap pa ang mga paaralan ng mga late enrollee hanggang sa katapusan ng buwan, lalo pa aniya at maraming mga paaralan sa bansa ang naapetukhan ng mga nagdaang bagyo.

Kumpiyansa naman ang DepEd na maaabot ang target na 28.8 milyon na bilang ng mga enrollee ngayong school year. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us