Enrollees para sa SY 2023-2024, pumalo na sa mahigit 26 milyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga mag-aaral na nagpapatala o enrollee para sa School Year 2023-2024.

Batay sa datos mula sa Department of Education o DepEd Learner Information System Quick Count, pumapalo na sa 26.4 million ang bilang ng mga mag-aaral na nagpatala para sa taong ito.

Nangunguna pa rin ang Region 4A o CALABARZON sa may pinakamaraming enrollee na may 3.8 million na sinundan naman ng Region 3 o Central Luzon at ng National Capital Region o NCR.

Bagaman nadagdagan, mababa pa rin ito kung ikukumpara naman sa 28 milyon na target cap ng DepEd para sa kasalukuyang school year.

Gayunman, sinabi ng DepEd na patuloy pa rin nilang tututukan ang enrollment kahit na nakaka-dalawang linggo na buhat nang magbukas ang klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us