Epekto ng pagbawas ng taripa sa imported na bigas, maliit lamang — DOF chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maliit lamang ang magiging potensyal na epekto ng pagbawas ng tariff rate sa mga inaangkat na bigas.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno sa kanyang weekly press briefing, nakakolekta na ang gobyerno ng ₱17 bilyon at wala nang dapat ikabahala sa pagbabawas ng tariff rate sa bigas.

Maaalalang ipinanukala ng kalihim sa Pangulo ang tariff cut mula 35 percent hanggang 0-10 percent sa mga inaangkat na bigas mula ASEAN o MFN (most favored nation) upang maibsan ang pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.

Ayon kay Diokno, sapat na ang koleksyon na nakamit mula sa kasalukuyang taripa upang tugunan ang pangangailangan ng pamahalaan na siyang ilalaan sa farm machinery and equipment, credit assistance, seed development at iba pang hakbang para itaas ang competitiveness ng mga lokal na magsasaka.

Paliwanag ng kalihim, sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund, nasa ₱10 bilyon lamang ang kailangan ng gobyerno mula sa “rice import tarrifs”. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us