Epekto ng pagpapatupad ng EO-39, pagpupulungan nila Pres. Marcos Jr. at mga opisyal ng NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang magpulong sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. gayundin ang mga opisyal ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa susunod na linggo.

Ito ang inihayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa sidelines ng paglulunsad ng National Innovation Agenda and Strategy Document kahapon.

Ayon kay Balisacan, nais malaman ng Pangulo kung ano ang naging epekto ng naturang kautusan at kung hanggang kailan ito tatagal.

Aminado si Balisacan na batid nila maraming “umaray” sa naturang kautusan at inaasahan naman nilang hindi ito magtatagal dahil lilikha lang ito ng mas maraming problema sa hinaharap.

Magugunitang inilabas ng Pagulo ang Executive Order no. 39 o ang pagtatakda ng price ceiling sa bigas upang may maibentang ₱41 at ₱45 kada kilo ng regular at well-milled rice sa mga pamilihan.

Layunin kasi nito ayon sa Pangulo na malabanan ang anumang uri ng pananamantala gaya ng rice hoarding, smuggling, gayundin ang pagmamanipula sa presyo nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us