Espesyal na batas na magpaparusa sa road rage, higit nang kailangan — LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isusulong ng Land Transportation Office ang paglikha ng batas na malinaw na tutukoy at magpaparusa sa mga insidente ng ‘road rage’.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, gumagawa na ng sariling pag-aaral ang LTO sa pagtukoy kung ano nga ba ang ‘road rage’ at kung ano ang mabigat na parusa na maaaring ipatupad sa mga masasangkot dito.

Paliwanag ng opisyal, ang mga parusa sa mga insidente ng road rage ay hindi ganoon kabigat, lalo na kung hindi namatay o napinsala ang isang indibidwal.

May dalawang kaso na ng road rage ang naging headline mula noong nakaraang buwan, isa ay sa Quezon City at sunod ay sa Valenzuela City.

Sabi ni Mendoza, mabilis namang naaksyunan ng LTO ang mga insidenteng ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng ‘show cause order’ sa mga driver na sangkot.

Nauna rito, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat gumawa ng espesyal na batas para maiwasan ang ‘road rage incidents’ at magtitiyak sa proteksyon ng mga driver, motorista, at riding public sa pangkalahatan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us