Nagpahayag ng suporta ang National Economic and Development Authority (NEDA) ang inilabas na Executive Order 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ay ang pagtatakda ng price ceiling sa bigas sa ₱41 kada kilo na naglalayong labanan ang pananamantala, iligal na pagtatago, pagpupuslit at kartel o pagdidikta ng presyo sa merkado.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, sa panahon ngayon na humaharap sa matinding pagsubok ang bansa gaya ng El Niño, kinakailangang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapanatiling sapat ang suplay ng pagkain para sa mga Pilipino.
Bagaman mataas pa naman ang suplay ng bigas sa bansa hanggang sa ikatlong kuwarter ng taon dahil sa papalapit na anihan, naka-antabay na rin ang mga inorder na bigas para angkatin bilang pangsuporta sa kabuuan ng taon.
Tiwala ang NEDA na sa pamamagitan ng kautusang ito, mapipigilan ang pananamantala ng ilang mga negosyante na siya namang magreresulta sa pagbaba ng presyo ng bigas. | ulat ni Jaymark Dagala