External threats sa Pilipinas, mas pinagtutuunan ng pansin ng security cluster ngayon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma na ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment o ang pagkakatalaga sa pwesto ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto ‘Gibo’ Teodoro Jr.

Sa naging pagdinig ng CA committee, pinunto ni Teodoro ang posisyon ngayon ng national security cluster na unti-unti nang humuhina ang internal threats sa bansa.

Dahil dito, mas pinagtutuunan na ng pansin ang pagprotekta sa soberanya at karapatan ng ating bansa sa ating exclusive economic zone (EEZ) at iba pang hurisdiksyong ng Pilipinas.

Giit ni Teodoro, hindi dapat maging laidback lang ang bansa sa usaping ito.

Gayunpaman, kasabay nito ay dapat pa ring gamitin ang diplomasyang may kalakip na matatag na spinal cord para matugunan ang mga external threats.

Matatandaang nitong Hunyo naitalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Teodoro bilang DND secretary.

Una nang napangasiwaan ni Teodoro ang ahensya bilang kalihim noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Maliban kay Teodoro, inaprubahan rin ngayong araw ng CA ang ad interim appointment ng labing isa pang opisyal ng AFP.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us