Filing ng COC sa BSK Elections sa Pasay City, nakatakdang palawigin ng COMELEC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang palawigin ng Lungsod ng Pasay ang Barangay at Sangguniang Kabataang Elections para sa filing ng Certificate of Candidacy (COC) dahil sa nangyaring suspensyon ngayong araw dulot ng masamang panahon.

Una nang sinabi ng Commission on Elections (COMELEC), ang pagkansela ng filing dahil na rin sa sinuspinde ang ilang trabaho sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa ilang kandidato, mas okay na rin na kinansela ngayong araw ang filing para na rin sa safety ng bawat isa, hindi rin kasi sumang-ayon ang panahon kung kaya babalik na lamang sila para magsumite ng kanilang aplikasyon.

Una na ngang kinansela ng ilang mga LGU sa Luzon ang mga klase at pasok sa gobyerno dahil sa sama ng panahong dulot ng umiiral na habagat na lalo pang pinalalakas ng bagyong Hannah. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us