Pabor ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc sa mungkahi ni Finance Secretary Benjamin Diokno’s na bawasan ang taripa sa mga imported na bigas.
Ito ay para mapatatag ang presyo at suplay ng bigas sa merkado.
Ayon kay Dr. Cecilio Pedro, pangulo ng Filipino-Chinesemen entrepreneurs, masyadong mataas ang ipinapataw na buwis sa mga imported na bigas kung kaya’t malaki din ang idinadagdag nito sa presyo sa pamilihan.
Sa ngayon, umaabot ng hanggang 30% ang buwis sa mga imported na bigas kung kaya’t nagmamahal din ang bentahan nito sa merkado.
Base sa mungkahi ni Sec. Diokno, dapat daw ay ibaba ng hanggang 10% ang buwis sa imported rice para maibaba din ang presyo sa mga mamimili.
Bilang isang umbrella organization ng Filipino Chinese business associations, hindi rin daw nila kagustuhan na mataas ang presyo ng bigas dahil mas marami ang apektado.
Ngunit kung ibababa ang buwis sa imported rice, mas marami ang papasok na suplay sa Pilipinas at mae-engganyo ang mga importer na magdala nito mula sa ibang bansa.
Batid din daw ng Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry na maaapektuhan ang lokal na palay kapag ibinaba ang taripa sa imported rice ngunit mas marami naman daw ang mabebenepisyuhan kapag marami ang suplay at mababa ang presyo. | ulat ni Michael Rogas