Finance Sec. Diokno, muling iginiit ang posisyon laban sa operasyon ng POGO sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling iginiit ni Finance Sec. Benjamin Diokno ang kanyang posisyon na paalisin ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa bansa.

Sa weekly press chat ng kalihim, sinabi nito na wala siyang anumang rekomendasyon ukol sa pag-aalis ng POGO pero para sa kanya kailangan nang umalis at pigilan ang kanilang pagpasok sa bansa.

Aniya, hindi na dapat bigyan ng visa ang mga Chinese operators ng POGO.

Paliwanag ni Diokno, hanggang sa ngayon gumagastos pa rin ang gobyerno para sa seguridad ng mga ito, kasama dito ang administrative, social cost at paglagay sa bansa sa alanganing reputasyon.

Maaring magamit sa money laundering ang operasyon ng POGO kaya ito ipinagbawal sa ibang bansa gaya ng China at Cambodia.

Maaalalang bigo ang Pilipinas na maalis mula sa “gray list” ng Financial Action Task Force ngayong taon dahil kailangan magpatupad ang bansa ng mga hakbangin gaya ng financial sanctions sa mga financial institutions.

Kaya ayon sa DOF chief kailangan nang i-restrict ang kanilang pagbabangko at pagnenegosyo sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us