Suportado ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang mga panukala na pamunuan ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang Department of Agriculture (DA).
Sa panayam ng media kay Diokno, inamin nito na naririnig na niya ang mga suhestyon na italaga si Balisacan sa kagawaran na kasalukuyang hawak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa kalihim, malawak ang kaalaman ni Balisacan sa agrikultura bilang dating undersecretary ng DA.
Siya rin ay undergrad ng kursong agriculture economics at naging dean ng University of the Philippines School of Economic at director general chief executive ng Southeast Asian Regional Centre for Graduate Study and Research in Agriculture.
Ayon kay Diokno ang panukala ay “sound proposal” dahil bilang isang ekonomista maia-apply nito ang economic aspect sa policy making ng kagawaran.| ulat ni Melany V. Reyes