Financial literacy at entrepreneurship training para sa mga empleyado, isinusulong ni Rep. Sandro Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ngayon ni House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na bigyan ng financial literacy at entrepreneurship training ang mga empleyado upang makaahon mula sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa ilalim ng kaniyang House Bill 8989 o Financial Literacy for Workers’ Act, lahat ng employers ay obligado na isailalim ang kanilang mga empleyado sa financial literacy at entrepreneurship programs.

Sa tulong nito ay mapapalago pa nila ang kanilang kita para tuluyang magkaroon ng financial at economic freedom.

“At a time of continuously rising prices, the prevalence of financial scams, and also predatory loans, there is a need to empower employees with financial literacy programs that will include debt management, savings and investment, insurance and retirement planning, so as to avoid indigency,” saad ni Marcos sa kaniyang explanatory note.

Diin ng Ilocos Norte solon, ang mga indibidwal na may kaalaman sa pagpapatakbo at responsableng paggasta ng pera ay mas nakakamit ang kanilang financial goals.

Oras na maging ganap na batas aatasan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magkaloob ng loans at grants sa mga karapatdapat na working entrepreneurs upang makapagsimula ng financial literacy programs o makapagpatayo ng maliit na negosyo.

Sa DOLE isusumite ang aplikasyon para sa loan o grant kalakip ang itemized budget at iba pang kinakailangang impormasyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us