Floating barrier ng China sa Bajo de Masinloc, kinondena ng BFAR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikiisa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagkundena sa paglalagay ng China Coast Guard ng floating barrier sa Bajo de Masinloc na nakakahadlang ngayon sa ilang mangingisda sa lugar.

Ayon kay BFAR Spokesperson Nazario Briguera, nakakabahala ang ginawang ito ng China na makakaapekto hindi lang sa kaligtasan kundi pati na sa kabuhayan ng maraming mangingisda sa lugar.

Giit nito, malinaw na nasa teritoryo ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc kaya may karapatan ang mga Pilipinong mangingisda dito.

Sa ngayon ay naka-monitor na rin ang BFAR sa sitwasyon katuwang na rin ang Philippine Coast Guard na siyang nangungunang ahensya rito.

Kasunod nito, ay pinayuhan naman ng BFAR ang mga mangingisda sa lugar na mag-ingat sa pagpapalaot sa Bajo de Masinloc. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us