Flood control at solusyon sa suplay ng tubig, nakalatag na — DPWH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni DPWH Sec. Manuel Bonoan na alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alamin ang solusyon sa matinding pagbaha ay inilatag na ng kaniyang opisina pati na ang iba’t ibang pamamaraan para sa flood control.

Sa budget deliberation ng DPWH sa House AppropriationS Committee, sinagot ni Sec. Bonoan ang ilang mga katanungan ng ilang mambabatas kaugnay sa matitinding pagbaha sa bansa.

Ayon sa kalihim, kabilang dito ang impounding areas sa mga river basin at water reservoirs bilang tugon sa direktiba ng Pangulo na flood control at water supply na siyang nakikitang pangmatagalang solusyon.

Sa katunayan aniya, 18 sa mga major river basin sa bansa at maraming mga ongoing projects para sa flood control ang kanilang isasagawa.

Base sa 2024 NEP, P215.643 bilyon ng kanilang P882 bilyong pondo ay para sa konstruksyon at rehabilitasyon ng mga flood mitigation facilities.

Nang tanungin naman si Sec. Bonoan ng mga mambabatas kung naging matagumpay ba ang mga flood control projects, sinabi nito na tanging trabaho nila ang “engineering part” habang may mga components pa na dapat isaalang-alang gaya ng nagbabagong klima o climate change. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us