France, muling ipinaabot ang imbitasyon kay Pangulong Marcos Jr., para sa isang state visit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpaabiso ang France kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng una na nitong imbitasyon sa Punong Ehekutibo na bumisita sa kanila para sa isang state visit.

Ang paalala sa imbitasyon ay nangyari sa ginawang pagpresenta ng credentials ng bagong French Ambassador to the Philippines sa Pangulo sa Malacañang kahapon.

Sa pamamagitan ni Ambassador-Designate of the French Republic to the Philippines Marie Fontanel ay muling ipinaabot ni French President Emmanuel Macron ang paanyaya nito sa Pangulo.

Una nang inimbitahan ng French leader si Pangulong Marcos Jr. sa kanilang naging bilateral meeting noong November 2022 bilang sidelines ng kanilang pagdalo sa APEC Summit.

Sakaling matuloy, si Pangulong Marcos Jr. ang presidente ng Pilipinas na muling makakabisita sa Pransya magmula noong1989.

Si dating Pangulong Cory Aquino ang huling Filipino Chief Executive na nakapag-state visit sa France. | ulat ni Alvin Baltazar

📷: PCO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us