Inihain sa Kamara ang isang panukala na layong bigyan ng full scholarship ang mga anak at dependent ng mga magsasaka at mangingisda upang maiangat ang buhay ng nasa sektor ng agrikultura.
Sa ilalim ng House Bb7ill 9095 o Educational Scholarship for Children and Dependents of Farmers and Fisherfolks Act of 2023, sasagutin ng pamahalaan ang pag-aaral mula elementarya hanggang magtapos sa kolehiyo—sa pribado man o pampublikong paaralan, ng mga anak ng magsasaka at mangingisda na kabilang sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).
Kasama sa ililibre ang kanilang tuition fee miscellaneous and other fees, board at lodging, transportation expenses, allowances para sa libro, damit, pagkain at iba pang kahalintulad.
Ipinunto sa panukala na ang suporta sa sektor ng agrikultura ay hindi lamang sa pagpapalakas ng kanilang produksyon at subsidiya, kundi ang pagbibigay din ng insentibo gaya ng pagpapa-aral sa kanilang mga kaanak.
“The agricultural sector must not be left in disarray alone, or else, the shift out of the sector will continue and food security will be endangered… Hence acts towards agricultural development shall not only be limited in increasing agricultural production and farming subsidies but also in incentivizing members of the agricultural sector, particularly through increasing the access of the sector’s members and their families to education—a fundamental right affirmed under the 1987 Constitution,” sabi ni Davao City Representative Paolo Duterte sa kaniyang panukala. | ulat ni Kathleen Jean Forbes