Nagpasalamat si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa Australian Army sa kanilang pagsasanay ng mga sundalo ng AFP.
Ito’y sa pagpupulong ni Gen. Brawner at Australian Army Chief Lieutenant General Simon Stuart nang bumisita ang huli sa Camp Aguinaldo kahapon.
Sa kanilang pagpupulong, napag-usapan ng dalawang opisyal ang Philippine-Australia bilateral military partnership, kabilang ang pagsasanay, student exchanges, reservist development, non-commissioned officer empowerment, at recruitment.
Bukod sa pagsasanay, nagpasalamat din si Gen. Brawner sa “intelligence and technical support” ng Australia, katulad ng suporta na ipinagkaloob nila noong Marawi seige, na bunga ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng dalawang pwersa sa paglaban sa international terrorism.
Ang Pilipinas at Australia ay may “partnership on training and exchanges” mula pa noong 1995, at “Status of Visiting Forces Agreement” na naging epektibo mula 2007. | ulat ni Leo Sarne