GILAS PiIipinas, kailangan na ng bagong coach na may international experience ayon sa isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyan diin ni Manila Rep. Joel Chua na kailangan ngayon ng Philippine Sports team ng bagong leader at bagong coaches na may international experiences.

Ginawa Chua ang pahayag kasunod ng naging mga laban ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup.

Aniya, kelangan nang tumabi muna ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes upang bigyan daan ang “new generation of coaches” na malalim ang karanasan sa international sports at upang maihanda ang Philippine sports team sa Paris Olympics.

Dagdag pa ng mambabatas, hindi maisasantabi ang puna ng Pinoy fans sa nakikita nilang mga sablay na desisyon at kapos na performance na maaari sanang nagawan ng solusyon at dapat itong pahalagahan kahit na hindi sila team owners ng clubs ng Gilas Players bagkus sila ang mga taxpayers na gobiyerno na sumusuporta sa national team.

Bilang kinatawan ng Lungsod ng Maynila, nagpasalamat at nagbigay pagpupugay naman ito sa buong koponan ng Gilas Pilipinas sa FIB World Cup.| ulat ni Melany V. Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us