Sabayang nagsanay sa pagsasagawa ng Ground Assault ang mga tropa ng Philippine Army at Australian Army sa ongoing na Exercise Carabaroo sa Channel Island, Northern Territory, Australia.
Lumahok sa aktibidad ang mga sundalo ng 99th Infantry Battalion sa ilalim ng operational control ng 1st Brigade Combat Team ng Philippine Army, at 5th Battalion ng Royal Australian Regiment at 1st Combat Engineer Regiment ng Australian Army.
Ipinakita sa ehersisyo ang kakayahan ng mga tropa na sabayang mag-execute ng battle plan, upang matalo ang kalaban.
Ang Carabaroo Exercise na mula sa salitang “Carabao” at “Kangaroo” ay tatlong linggong bilateral na pagsasanay ng Australia at Pilipinas.
Layon nito na mapahusay ang tactical coordination, survivability, lethality, command and control at interoperability ng pinagsanib na pwersa ng dalawang bansa sa urban warfare. | ulat ni Leo Sarne