Lumagda ng isang MOA ang Government Service Insurance System (GSIS) sa Department of Education (DepEd) para sa opisyal na paglulunsad ng kanilang Multi-Purpose Loan Flex program (MPL Flex) sa mga guro ng pampublikong paaralan at iba pang miyembro ng GSIS sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month.
Ang MPL Flex ay may interest rates mula 6% at pinahaba ang termino ng pagbabayad sa 15 taon mula sa dating 10-year limit.
Ang mas mababang rate ng interes at mas mahabang panahon ng pagbabayad ay nangangahulugan sa mas mababang buwanang pagbabayad.
Ang Memorandum of Agreement (MOA) signing ay bahagi ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month, na pinaunlakan ni Department of Education (DepEd) Secretary Vice President Sara Duterte.| ulat ni AJ Ignacio