Malugod na tinanggap ng Department of National Defense (DND) ang kautusan ng Bangsamoro Islamic Armed Forces – Moro Islamic Libreration Front (BIAF-MILF) sa kanilang mga miyembro na iwasang masangkot sa mga aktibidad na lilikha ng kaguluhan sa mga sibilyang komunidad.
Ang kautusan ay nakasaad sa Memorandum No. 25-2023, na inilabas ni Sammy Al Mansoor, Chief of Staff ng BIAF-MILF.
Dito’y binalaan ni Al Mansoor ang kanilang mga miyembro na automatiko silang matatanggal sa BIAF-MILF kung mapatunayang sangkot sila sa kaguluhang may kinalaman sa mga family feud o political rivalry.
Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, ang direktiba ay pagpapakita ng commitment ng liderato ng MILF na itaguyod ang Bangsamoro peace process.
Dagdag ni Andolong, ang hakbang ay magpapahintulot sa security sector na manatiling “on track” sa implementasyon ng mga programang pangkapayapaan at pangkaunlaran, partikular sa Mindanao. | ulat ni Leo Sarne