Tinatayang nasa P44.65 milyon na ang pinsala sa imprastraktura na dulot ng magnitude 6.3 na lindol kamakalawa sa Dalupiri Island, Calayan, Cagayan.
Sa ulat ngayong umaga ng Office of Civil Defense, 42 paaralan sa lalawigan ng Cagayan at tatlong bahay sa bayan ng Calayan ang nagtamo ng pinsala.
43 pamilya naman o 174 na indibidwal ang apektado ng lindol, kung saan 20 pamilya o 98 indibidwal ang kasalukuyang nasa evacuation centers.
Samantala, nananatili naman sa lima ang napaulat na nasaktan pero pawang minor injuries naman ang tinamo.
Sa kabutihang palad ay wala ding napaulat na nasawi at nawawala dahil sa lindol. | ulat ni Leo Sarne