Sa ilang araw na pagsasagawa ng “LAB for All” na programa nila First Lady, Atty. Liza Araneta Marcos at Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., umabot sa 2,996 ang mga registered patients at 23,354 laboratory test na naisagawa sa pamamagitan ng tulong ng private at public sector na mga medical workers.
Ayon kay First Lady Marcos, ito ay magpapabuti sa lahat ng mga mamamayan na nangangailangan ng tulong medikal.
Sinabi ng Unang Ginang na umabot sa mahigit 100 na wheelchairs ang naibigay sa mga bata at matatanda, 300 packs ng Iron Fortified Rice na may limang kilo sa bawat isang pack, 400 prescription glasses, 300 eye drops, X-ray, dental service, libreng gamot at iba pang mga tulong pang-medikal.
Nagpapasamalat si First Lady Liza Araneta Marcos sa mga partners ng programa mula sa pribado ang MVP Group, Lucio Tan Group, Jaime V. Ongpin Foundation, mga malalaking kompanya at iba pang mga foundation.
Hindi naman nakalimutang pasalamatan ang government agencies kagaya ng DSWD, FDA, PCSO, PhilHealth, TESDA, DA, DILG, at lalong-lalo na sa DOH.| ulat ni Ranie Dorilag| RP1 Laoag