Tinanggap ng halos 300 indibidwal ang libreng serbisyong medikal hatid ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng Lanao del Sur kasama ang City Health Office (CHO) ngayong Biyernes, ika-22 ng Setyembre, bilang bahagi ng ika-60 Anibersaryo ng DXSO Radyo Pilipinas Marawi.
Naihatid ang libreng check-up sa blood pressure, blood sugar, at pati na rin libreng konsultasyon na may libreng gamot. Samantala, nagkaroon rin ng libreng dental services mula sa CHO, bakuna laban sa pneumonia at flu na isasagawa sa loob ng DXSO Station Compound, MSU, Lungsod ng Marawi.
Samantala, ang CALI Paramedical College Foundation, Inc. ay naglaan rin ng libreng optical services sa 100 indibidwal kung saan nakakuha rin sila ng libreng reading glasses.
Ilan lamang ito sa mga aktibidad na isasagawa sa tatlong araw na selebrasyon ng DXSO kasama ng iba’t ibang ahensya at organisasyon upang gawing mas malapit sa publiko ang serbisyo ng pamahalaan. | ulat ni Johaniah Yusoph | RP Marawi