Halos 7k magsasaka sa Davao de Oro, nakakuha ng ₱35-M halaga ng fertilizer voucher mula sa DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi bababa sa 6,928 rice farmers na sumasaklaw sa 8,777 ektarya ng palayan sa Davao de Oro ang nakakuha sa 35 milyong pisong halaga ng fertilizer discount voucher (FDV) na ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) sa lalawigan mula Agosto 17 hanggang 30.

Sa isang pahayag noong Huwebes, sinabi ng pamahalaang panlalawigan na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno upang makatulong na mapalakas ang sektor ng agrikultura sa probinsiya.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng FDV ang mga magsasaka ng palay mula sa mga bayan ng Nabunturan, Montevista, New Bataan, Mawab, Laak, Maco, at Compostela.

Kabilang sa mga kwalipikadong tatanggap ng programa ang mga magsasaka na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), at yung mga nagtanim ng palay kasabay ng wet season ngayong taon.

Ang mga magsasaka na nakatanggap ng inbred at hybrid seeds mula sa DA, gayundin iyong mga nakabili ng kanilang mga binhi, ay kwalipikado rin na makinabang sa programa.

Ayon sa DA, isang serye ng mga iskedyul ng pamamahagi ng FDV simula Setyembre ay nakatakda din para sa mga bayan ng Maragusan, Pantukan, at Monkayo.

Sinabi ni Jerry Aventurado, isang FDV beneficiary mula sa Barangay Basak, Nabunturan, na malaking tulong ang voucher sa pagbili ng sapat na dami ng urea fertilizer na inirerekomenda para sa mga palayan. | ulat ni Jollie Mar Acuyong

📷: Albert Dayao and LGUs

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us