Halos P6-M halaga ng shabu nasabat sa dalawang magkasunod na operasyon sa Iloilo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa P5.9-milyon na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga pulis sa dalawang operasyon sa siyudad ng Iloilo kaninang madaling araw.

Sa Brgy. Magsaysay, Lapaz, Iloilo City, kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4-milyon ang nakumpiska ng City Drug Enforcement Unit.

Arestado sa buy-bust operation sina Rhodney Marcellana Jr. at Kristine Eiman pawang mga high value target drug personalities.

Samantala, dalawang tulak naman ng iligal na droga ang naaresto sa Brgy. Sto Niño Norte, Arevalo, Iloilo City.

Arestado ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6 sina April Joy Bataloya at Melbert Dela Cruz.

Nakumpiska sa mga nahuli ang 370 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.51-million.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 dahil sa iligal na droga ang kakaharapin ng mga arestado sa dalawang operasyon ng mga pulis. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us