Higit 100 sako ng bagong aning bigas mula Nueva Ecija, dumating sa Kadiwa store

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 120 sako ng bagong aning mga bigas ang dumating na sa Kadiwa Store sa tanggapan ng Department of Agriculture sa Quezon City.

Ayon sa DA, ang mga bagong suplay ng bigas na ito ay dumating kagabi mula sa Talavera, Nueva Ecija.

Bahagi ito ng programa ng kagawaran para patuloy na makapag-alok ng murang bigas sa mga mahihirap na Pilipino.

Ibebenta ang mga bigas na ito sa halagang P45 kada kilo kung saan maaaring bumili ang mga mamimili ng hanggang 3 kilo.

Naniniwala ang DA na malaking tulong sa mga mahihirap ang naturang bagong mga suplay ng bigas upang makaagapay naman sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa merkado. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: DA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us