Nagpalipas ng magdamag sa Diosdado Macapagal Elementary School sa Barangay Tatalon ang higit 300 pamilya o 1,000 indibidwal dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat.
Ayon kay Virgilio Cruz, Deputy Officer ng Brgy. Tatalon, alas-5:30 pa ng umaga kahapon nang simulan na ang preemptive evacuation sa mga apektadong residente.
Karamihan aniya sa mga inilikas ay nakatira sa mga lugar na kadalasang binabaha gaya ng Araneta, Caleraga, Tanlad, Victors, Malungan, at Kabignagan.
Hindi naman na aniya naging pahirapan ang pagpapalikas dahil sanay na rin ang mga residente dito.
Ilan sa mga evacuee ang nagpwesto ng mga modular tent sa covered court ng eskwelahan habang ang iba ay nasa mga classroom.
Posible naman aniyang manatili pa rito ngayong araw ang evacuees dahil sa pabugso-bugso pa ring ulan. | ulat ni Merry Ann Bastasa