Nakapagtala ang Department of Education (DEPED) Schools Division ng aabot sa 214,506 na mga estudyante na naka-enrol sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa Zamboanga City para sa school year 2023-2024.
Mula sa nasabing bilang, 188,711 na mga mag-aaral ang mula sa pampublikong paaralan na bumalik sa face-to-face classes noong Martes, ika-29 ng Agosto, na siya ring unang araw ng pasukan.
Ang Learners’ Information System (LIS) Quick Count naman ay nakapagtala ng 24,011 na mag-aaral na naka-enrol sa pribadong mga paaralan habang 1,722 naman ang naka-enrol sa Local Universities and Colleges/State Universities and Colleges (LUCs/ SUCs).
Ayon kay Basilio Uy, ang Acting Chief for School Governance and Operation ng Department of Education (DepEd)-Division of City Schools, ang higit 200,000 mga mag-aaral ay binubuo ng mga nagmumula sa pre-school, elementarya at sekondarya.
Ang pagsisimula ng klase noong Martes ay ang muling pagbabalik ng full face-to-face class setting matapos ang dalawang taong blended sessions dahil sa COVID-19 pandemic. | ulat ni Bless Eboyan | RP1 Zamboanga
📷 City Government of Zamboanga