Iniulat ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) na aabot na sa 432 estudyante ang nakatanggap ng kanilang cash-for-work (CFW) sa ilalim ng Tara, Basa! Tutoring Program ng ahensya.
Kasunod ito ng isinagawang simultaneous payouts ng DSWD sa ilang local universities and colleges sa Metro Manila.
Kabilang sa nakatanggap ng tig-P4,800 na CFW ang mga college student ng City of Malabon University; Navotas Polytechnic College; Universidad de Manila; at Parañaque City College.
Ang mga estudyanteng ito ay nagsilbing student-tutors sa mga batang hirap magbasa o kaya ay youth development workers na nagsagawa ng mga Nanay-Tatay module sessions.
Pagtitiyak ng DSWD, ang natanggap na kita ng mga estudyante ay pasok sa daily minimum wage ng Department of Labor and Employment (DOLE). | ulat ni Merry Ann Bastasa