Nakararanas ng aftershocks ang ilang bahagi ng Cagayan kasunod ng tumamang Magnitude 6.3 na lindol sa Dalupiri Island, Calayan, Cagayan kagabi.
Ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), as of 6am ay mayroon nang higit 80 aftershocks ang naitala.
Mula rito, 78 ang recorded habang 13 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon.
Wala namang pagyanig ang naramdaman ng mga residente.
Ang mga naitalang aftershock ay may lakas na mula magnitude 1.8 hanggang 3.7
Una na ring sinabi ng PHIVOLCS na inaasahan pa ang mga aftershock kasunod ng pagyanig. | ulat ni Merry Ann Bastasa