Higit P400K halaga ng PCIC indemnity checks, naibahagi na sa mga magsasakang nasalanta ng Bagyong Egay sa Basista, Pangasinan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagbigay na ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) Regional Office 1 ng mga tseke para sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Egay sa bayan ng Basista, Pangasinan.

Batay sa impormasyong ibinahagi ng LGU, umabot sa P437,764 ang kabuuang halaga ng mga tseke na naipamahagi ng nasabing tanggapan sa mga magsasakang napinsala ang mga pananim dahil sa pagbahang idinulot ng nagdaang sama ng panahon.

Kaugnay naman nito, nagsagawa na rin ang Municipal Agriculture Office ng bayan ng Basista ng seminar upang maturuan ang mga miyembro ng kanilang Farmers Association and Cooperatives ng wastong pagsagot sa PCIC Insurance and Indemnity Forms para sa pagsusumite ng kanilang mga claim.

Samantala, nakapagbigay na rin ang Department of Agriculture Regional Field Office I ng iba’t-ibang Agri-Inputs sa mga miyembro ng Basista Farmers Association and Cooperatives bilang bahagi pa ng mga tulong sa kanila.

Matatandaan na isa ang bayan ng Basista sa mga lugar sa Pangasinan na lubos na naapektuhan noon ng Super Typhoon Egay na nagdulot ng malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng lalawigan. | via Ruel de Guzman |  RP1 Dagupan

📷 Agriculture Basista

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us